Tuesday, September 13, 2016

Tuslob Buwa



         Ang Cebu ay kilala sa kanilang masarap na Lechon at Danggit. Ang mga pagkaing ito ay naging sikat at mabenta sa mga lokal at maging sa mga turista. Ngunit may bagong tinatangkilikan ang mga kabataan na pagkain ngayon.
Ito ay kilala sa tawag ma "TUSLOB  BUWA"



Ang tuslob buwa ay kakaiba dahil ang pangunahing sangkap nito ay utak ng
baboy o "pig's brain". Ang salitang Tuslob Buwa ay isang bisaya na na nangangahulugang "Isawsaw sa bula" o "dip in bubbles". Ang pagkaing ito ay pinaparesan ng puso. Isang uri ng kaninna binalutan ng dahon ng niyog. Ang tuslob buwa ay hinahain ng mainit pa. Isinasawsaw ang puso sa mainit na tuslob buwa at talagang napakasarap kainin kasama ang mga kaibigan, pamilya o kahit sa hindi mo kakilala.

    Ang Azul Cebu ay isa sa mga sikat na kainan ng tuslob buwa. "Azul Cebu is open from 10am through 7am. One of the branches is located at Gorordo Avenue, Cebu City."  -Azul Management says.

MGA SANGKAP
☆ Utak ng Baboy
☆ Mantika
☆ Soy Sauce / Patis
☆ Bawang / Onion
☆ Puso Rice

PARAAN SA PAGLULUTO
1. Maghanda ng Kawali at painitin ito.
2. Ilagay ang kaunting mantika.
3. Lutuin ang utak ng baboy at ihalo ang "pork broth"
4. Ilagay ang soy sauce.
5. Ihalo-halo ang lahat
6. Hintayin hanggang bubula at pag bumula na pwede na itong sawsawan ng puso.


"The Philippines is indeed a home of people who really loves eating in a very creative and practical way. Pig's brain that seems to have no place for a food lover's plate has made its way in through the version of luscious Tuslob buwa."


Photo Credits to the Owner (Google)